72

Jul 26, 2021 @ 10:40
By

Coach inako sisi sa pinakita ni Yulo

Inako ng coach ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ang responsibilidad sa ‘di kagandahang pinakita ng atleta sa floor exercise sa Tokyo Olympics.

Tumapos lamang si Yulo sa iskor na 13.566 sa paborito niyang event na floor exercise, ang event kung saan siya nagwagi ng ginto sa world championships noong 2019.

Ngunit para sa kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya, walang kasalanan si Yulo sa masamang performance nito at binigay naman niya ang lahat.

Ani Kugimiya, walang dapat ibang sisihin kundi siya.

“If you want to blame, please say to his coach. If you want to say waste, please say to his coach. He is the person who have responsibility. What he did. Athlete is always trying best,” saad sa Facebook post ni Kugimiya.

“If it happen mistake, because of his coach. I’m the one his coach,” dagdag pa niya.

Bagamat bigo sa floor exercise, buhay pa ang tsansa ni Yulo sa medalya sa vault exercise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?