80
Yeng-Guiao
By

Coach Guiao ambisyoso, NLEX itutuntong sa finals

Sharing is caring!

Tumikim na ng playoffs ang NLEX, malayu-layo na nga ang narating pero mukhang kulang pa kaya mag-aambisyon ang Road Warriors ng mas mataas.

Sa katatapos na PBA Philippine Cup ay napaabot ni coach Yeng Guiao ang NLEX hanggang semifinals bago nasipa sa Magnolia sa anim na laro.

Ngayon lang umabot ng Final Four ang Road Warriors sapul nang sumali sa liga noong 2014. Dati ay hanggang quarters lang sila.

Abot-kamay na ang finals, pero kinapos. Susubukan ulit nila umpisa sa parating na Commissioner’s Cup.

“To predict, from quarters to semis, to something better than the semis,” lahad ni Guiao, tumawid sa NLEX mula Rain or Shine noong 2016. “Habang tumataas ‘yan, sumisikip ‘yan so it would be very hard to predict that. But definitely we are a lot better than what we were one year ago.”

Mas gutom na sila.

“To me I would not be satisfied or happy if we do not make anything other than semis or higher,” dagdag ni Guiao.

“Parang tumaas na rin expectations mo, tumaas na rin ‘yung goals mo. So nakatikim na kami ng quarters, nakatikim na kami ng semis, dapat ang objective nothing lower than semis.”

Mas mataas na rin ang ambisyon.

“I think that’s but natural. Kailangan mag-set ka talaga ng mataas na objective and I think that’s the right direction,” giit ng coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?