29

Jul 4, 2022 @ 22:01
By

Coach Freddie: Magsayo mala-Pacquiao ang bilis ng kamao

Inihalintulad ni Hall of Fame trainer Freddie Roach ang bilis ng kamao ni WBC world featherweight champion Mark Magsayo kay Manny Pacquiao.

“Mark has been a pleasure to train. He is dedicated to his craft and eager to learn. Best of all, he has shown improvement with every fight. I am very proud to be his trainer,” sambit ni Roach sa Bad Left Hook report.

“Both Manny and Mark have great hand speed and an incredible work ethic. They also are never satisfied with giving 100 percent. They dig down deep for that extra effort in training camp, and in a fight, to give themselves an advantage. Both are fierce competitors,” dagdag niya.

Sa unang pagkakataon, idedepensa ni Magsayo ang kanyang featherweight belt laban kay Mexican boxer Rey Vargas sa Alamodome sa San Antonio, Texas sa July 9.

Sa kabila naman na mas matangkad si Vargas (5-foot-10) kay Magsayo (5-foot-6), hindi nag-aalala rito si Roach.

Aniya, natutunan na raw ni Magsayo sa training camp kung paanong patumbahin ang matatangkad na boksingero.

Sasagupa si Magsayo bitbit ang malinis na record na 24-0, 16KOs sa unbeaten din na si Vargas (35-0, 22KOs).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?