By

Coach Frank Vogel, inilaglag na ng Magic

Sharing is caring!

Matapos ang 2 season, sinibak na ng Orlando Magic ang head coach nito na si Frank Vogel.

Kasunod ito ng nakakadismayang 25-57 record sa 2017-2018 NBA season at kabiguan na makapasok sa playoffs sa ika-6 na sunod na taon.

Si Vogel na may isang taon pa sanang nalalabi sa kanyang kontrata ay aalis sa Magic dala ang record na 54 na panalo at 110 na talo.

Huling naglaro sa playoffs ang Magic noong huling season sa koponan ni coach Stan Van Gundy noong 2012.

Pinasalamatan naman ni Magic basketball operations president Jeff Weltman si Vogel sa mga sakripisyo na ginawa nito para sa kanilang team.

Nauna nang sinibak ng New York Knicks pagpasok ng offseason ang head coach nito na si Jeff Hornacek.

Kabilang sa napipisil na kapalit ni Vogel ang coach ng G- League team ng Toronto na si Jerry Stackhouse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?