By

Coach Franch binakabakan ang UAAP refs: Worst officiating

Sharing is caring!

Tanggap ni coach Franz Pumaren na tinalo sila ng De La Salle sa Final Four match ng UAAP Season 80 men’s basketball, pero hindi niya naitago ang disgusto sa officiating sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Pagkatapos ng 82-75 panalo ng Archers, naringgan si Pumaren na sumigaw ng ‘worst officiating’ habang naglalakad papasok sa dugout.

Sa postgame interview, hindi na pinalagpas ni Pumaren ang pagkakataon para ilabas ang saloobin.

“My players, they worked hard for this, they showed that. I don’t have to elaborate it … you know, malakas na nga sila eh tapos …” pabitin niyang sabi sabay iling.

Lahat naman daw na nasa Big Dome, nakita ang laro.

“I guess everybody saw the game, everybody noticed, everybody knows what happened.

Nasupalpal si (Jerie) Pingoy, last touch ‘yun nasupalpal eh, nasa kanila ang bola,” parating niya.

Pati sa pituhan ng fouls, may reklamo ang Falcons coach.

“Ginagawa kay (Jerrick Ahanmisi) na hinaharang walang foul, hinarang namin, foul kami,” himutok ni Pumaren. “Anyway, kami okay lang ‘yun. We just have to be tougher, probably.” (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?