42

Feb 20, 2021 @ 22:20

Coach Chot atat kina Parks, Rosario, Pogoy

POKUS si TNT Tropang Giga coach Chot Reyes kung paano pa ilalabas nang husto ang galing nina Ray-Ray Parks, Troy Rosario at RR Pogoy.

“I’m here to get the best [out of] RR Pogoy, the best Troy Rosario, the best Rayray Parks, so when they get together, to get the best TNT team,” sey ng 57-anyos na veteran tactician sa Power & Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala Sabado.

Bukod dito, sabik na rin siyang makatrabaho sina Poy Erram at Kib Montalbo.

“I’m excited to work with Kib Montalbo, with Poy Erram and other less-known players.”

Balik sa TNT si Chot matapos palitan si Bong Ravena bilang head coach at si former team consultant Mark Dickel. (Abante Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?