104

Oct 26, 2017 @ 17:37

COA sa Bohol governor: Ibalik sa gobyerno ang nagastos na P2M

Inoobliga ng Commission on Audit si Bohol governor Edgardo Chatto at 5 iba pang opisyal ng lalawigan na ibalik sa gobyerno ang P2.437-million provincial fund na ginastos sa “personalized” na mga kalendayo noong 2011.

Sa tatlong pahinang desisyon na may petsang September 27, pinal nang pinagtibay ng COA ang Notice of Disallowance na inisyu ng Regional Office VII noong May 2013 kaugnay nang pagbili ng personalized calendars.

Bagama’t hindi binanggit sa desisyon ng COA kung kaninong mukha ang inilagay sa kalendaryo, sinabing ang pagpapagawa ng personalized calendar ay salungat sa Department of Interior and Local Government Memorandum Circular No. 308-97 na nagbabawal sa publicity materials na naglalathala ng litrato ng mga opisyal.

Tinukoy rin ng COA ang Administrative Order No. 103 Series of 2004 na nagsuspinde sa paggastos sa media advertisements maliban na lamang sa mga anunsyo ng mga patakaran at alituntunin ng ahensya, pagsasagawa ng public bidding o pagpapakalat ng mahahalang public advisories.

Labag rin daw ito sa COA Circular No. 85-055-A na nagbabawal sa “unnecessary” expenditures kabilang ang “advertisements ng anniversaries, at iba pa sa mga pahayagan m, telebisyon at radyo para sa publicity o propaganda.

Ang desisyon ay pirmado ni COA chairman Michael Aguinaldo at commissioners Jose Fabia at Isabel Agito.

Bukod kay Chatto, kasama sa inaatasang magsoli ng pondo sina dating Vice Gov. Concepcion Lim, provincial administrator Alfonso Damalerio II, provincial treasurer Eustaquio Socorin, provincial accountant Joseth Celocia at requisitioning office head Gabino Redulla. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?