28

By

COA report sa Dengvaxia, nagpatibay sa Blue ribbon report – Gordon

Sharing is caring!

Inihayag ni Senador Richard Gordon na tugma ang Senate blue ribbon committee report sa Dengvaxia sa sariling report ng Commission on Audit (COA).

Sa 2017 audit report ng COA, tinukoy na maaring nilabag ng Aquino administration ang Government Procurement Law dahil minadali ang pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Gordon na chairman ng Senate blue ribbon committee, ito mismo ang kanilang nakita sa mga pagdinig ng Senado.

Dinisisyunan ang pagbili ng bakuna noong Disyembre 2015.

Binayaran ang Sanofi Pasture ng P3.5 bilyon at ibinakuna ang Dengvaxia sa mga bata bago ang eleksiyon noong 2016.

Dahil sa findings ng COA, sinabi ni Gordon na tumibay ang kaniyang rekoumendasyon na sampahan ng kaso sina dating Pangulong Benigno President Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janet Garin, dating Budget Secretary Butch Abad, at mga opisyal ng Philippin Children’s Medical Center (PCMC) at Department of Health (DOH).

“In 2016, nag-privilege speech ako on the Dengvaxia procurement because sa tingin ko, after studying all the information I got at that time, na minadali ang procurement, hindi pinag-aralang mabuti kaya nalagay sa alanganin ang halos isang milyong batang Pilipino. And now this COA audit report is saying that the said procurement was irregular. It supported our own report,” sabi ni Gordon.

Idiniin nito na hindi niya intensiyong siraan ang mga sangkot sa pagbili ng bakuna kundi ang mabigyan ng hustisya ang 830,000 batang naturukan na maaring nanganganib ang buhay.

“What we are doing here is not political. It is precisely to prevent the DOH, which is the sentinel of public health, from being co-opted again and used for political ends. Hindi natin gustong magdiin pero walang kaduda-duda na may kasalanan ang mga taong gumawa niyan dahil nanakit sila ng mga bata ng walang pakundangan. Walang pakundangang itinaya nila ang buhay ng halos isang milyong mga bata,” sabi ni Gordon.

Labing-apat na senador ang nakalagda na sa Commitee Report 368 na inakda ni Gordon kaya maari na itong ihatag sa plenaryo para pagdebatehan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?