1,694

Aug 14, 2018 @ 14:17
By

COA, PTV4: Hindi lang P60M ang natanggap ng Bitag ni Ben Tulfo

Lumutang sa Senado na mahigit P60 milyon ang kinita ng Bitag Media Unlimited, Inc. ni Ben Tulfo mula sa advertisements ng Department of Tourism (DOT) habang kalihim nito ang kapatid na si Wanda Tulfo teo.

Sa report ni Norma Aquino, supervising auditor buhat sa Commission on Audit (COA), P120 milyon ang halaga ng advertisement contract ng DOT at ng People’s Television Network, Inc. (PTNI/PTV4).

Mula rito, P89.87 milyon ang ibinayad ng PTV4 sa Bitag, 75 porsyento iyon ng kabuuang natanggap ng PTV4 mula sa DOT.

Nakitaan nila ito ng “possible conflict of interest” dahil kapatid ni Ben Tulfo ang kalihim ng DOT.

Ayon naman kay Dino Antonio Apolonio, President/General Manager ng PTV4, hindi buong P120M ang kanilang natanggap dahil hindi na ibinayad sa kanila ang ikalimang hulog ng DOT nung pumuto ang kontrobesya sa kontrata.

Sa kanilang dokumento, P95,625,000 ang tinanggap ng PTV4 mula sa DOT.

Mula rito, P71,061,275.34 ang ibinayad ng PTV4 sa Bitag, natira sa PTV4 bilang revenue ang P19.8 milyon.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Erwin Tulfo na P150,000 ang natanggap niyang talent fee bilang co-host ng Kilos Pronto, kasama ng kaptid na si Ben Tulfo at brodkaster ding si Alex Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?