172
COA: P135M donasyon sa mga Yolanda victim hindi pa lubos na nagamit
May 30, 2019 @ 18:40
By

COA: P135M donasyon sa mga Yolanda victim hindi pa lubos na nagamit

Anim na taon matapos salantahin ng bagyong Yolanda ang Visayas, hindi pa umano nagagamit lahat ng Office of Civil Defense (OCD) ang P135.39 milyong natanggap nitong donasyon para sa mga biktima.

Ayon sa Commission on Audit (COA), may natitira pa umanong P40.98 milyon mula sa nabanggit na kabuuang donasyon.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 6,300 ang death toll ng Typhoon Yolanda habang mahigit 28,000 pa ang sugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?