107

Jan 14, 2021 @ 16:20
By

COA: Makati, Cebu pinakamadatung na mga LGU sa bansa

Kinilala ang Makati City bilang pinakamayamang lungsod sa Pilipinas na may tinatayang P233.7 billion worth ng mga asset ayon sa 2019 Annual Financial Report on local government units ng Commission on Audit (COA).

Pumapangalawa sa pwesto ang Quezon City na may P96 billion na sinundan ng Maynila na may P64 billion at Pasig na may P45 billion.

Kasama rin sa top 10 na pinakamayamang mga lungsod ay ang Cebu na may P34 billion, Mandaue na may P32 billion, Taguig na may P29 billion, Caloocan na may P20 billion, Pasay na may P19.79 billion at Davao City na may P19.78 billion.

Ayon sa ulat, natatangi ang lungsod ng Cebu na kasama sa billion peso club na may asset na nagkakahalaga ng P203 billion.

Sumunod dito ang Batangas na may P20.79 billion worth ng mga asset.

Pumapangatlo naman ang Rizal na may 20.27 billion, at Davao De Oro na may P20 billion.

Kasama rin sa listahan ang Bukidnon na may P18 billion, Surigao del Norte na may P16 billion, Negros Occidental na may P15 billion, Leyte na may P13.5 billion, Palawan na may P13.036 billion at Iloilo na may P13.034 billion. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?