9

Jan 13, 2021 @ 21:35
By

COA: Kongreso hindi gumastos ng intel fund

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang nagamit na “confidential, intelligence funds” sa taong 2019 ang Kongreso.

Sa pahayag sinabi ng COA na bagama’t nasa ilalim ng sub-major account category na “Confidential, Intelligence and Extraordinary Expenses”, ang P3.98 bilyong entry ay tinukoy na “Extraordinary and Miscellaneous Expenses.”

“The (Annual Financial Report) AFR clearly shows that the Congress of the Philippines did not incur any Confidential or Intelligence expenses in 2019,” saad ng COA.

Ayon sa COA, ang “extraordinary and miscellaneous expenses” ay nagastos sa iba’t ibang aktibidad gaya ng mga meeting, seminar, conference, office equipment and supplies at iba pang katulad na gastos na hindi suportado ng regular budget allocation.

Magugunitang naunang iniulat na sa 2019 Annual Financial Report ng COA, nanguna ang Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno sa nagastos na intelligence fund na P3.980 bilyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?