coa
By

COA auditor, absuwelto sa nasirang mga dokumento ng Yolanda

Sharing is caring!

Ligtas na sa pananagutan ang audit team leader ng Palo, Leyte kaugnay ng nawasak na mga dokumento at records dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Inabsuwelto ng Commission on Audit (COA) si Region VIII supervising auditor Maria Luz Castillo.

Sa desisyon ng COA, pinaboran nito si Castillo dahil ang nasirang mga record ay walang anumang monetary value at ang hiling nito para sa relief ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng National Archives of the Philippines.

Kabilang sa mga nasirang records ay ang mula sa regional offices ng Civil Service Commission, Commission on Human Rights, at Commission on Elections kung saan nagsisilbi si Castillo bilang audit team leader.

Pero ayon sa COA, walang kapabayaan sa panig ni Castillo dahil hindi naman nito kagagawan ang bagyo.

“The loss and damage of the subject documents were due to heavy rains and strong winds caused by Super Typhoon Yolanda, which could not have been prevented by Ms. Castillo,” saad sa desisyon ng COA.

Binigyang pansin din ng ahensya ang efforts ni Castillo at ng kanyang Audit Team nang subukang protektahan ang mga dokumento sa paglagay sa mga ito sa steel cabinets, sako at mga kahon na inilagay sa mataas na lugar gaya ng mesa at mga cabinet.

“Hence, Ms. Castillo should be exempt from liability, there being no showing of participation or negligence on her part that might have occasioned the loss and destruction of the documents under her custody,” ayon pa sa COA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?