61
desgn-coa
By

COA: 5,721 patay nang pensioner ng Philippine Veterans, nakakubra ng P70M

Lumabas sa 2018 report ng Commission on Audit (COA) na nasa 5,721 patay nang pensioner ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang nakatanggap pa ng monthly allowance na umabot sa P70.25 milyon.

“Comparison of the payroll of pensioners and list of reported deaths for CY 2018 disclosed that 5,721 or 84.5 percent out of 6,768 total reported deaths continuously received their regular monthly pensions which ranged from 1 to 64 months, thus resulted in the overpayment amounting to P70,250,300,” saad sa COA report.

Nagmula umano ang 2,545 claims sa patay nang mga beterano habang 3,176 ay mula naman sa kanilang mga asawa o menor de edad na anak.

Nasa P36,454,688.16 umano nito ang hindi pa naibalik habang ang P33,795,611.84 ay narekober na pero hindi pa naipapadala sa Bureau of Treasury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?