119

Dec 5, 2021 @ 11:10
By

CNN nanibak ng newscaster

Inanunsyo ng CNN na inalis nila ang kanilang anchor na si Chris Cuomo “effective immediately”.

Kaugnay ito sa ulat na tumulong si Cuomo sa kapatid niyang si dating New York Gov. Andrew Cuomo, nang akusahan ito ng sexual harassment.

“Chris Cuomo was suspended earlier this week pending further evaluation of new information that came to light about his involvement with his brother’s defense. We retained a respected law firm to conduct the review, and have terminated him, effective immediately,” sabi sa statement ng network.

Idinetalye sa mga dokumentong inilabas ni New York Attorney General Letitia James – matapos ang pag-iimbestiga sa gobernador – na habang nagtatrabaho si Cuomo bilang sa isa mga top anchor ng CNN ay unpaid aide rin ito ng kanyang kapatid.

Nadiskubre sa palitan ng text ni Cuomo, mga aide at kaalyado ng gobernador na ginamit ng una ang koneksyon sa press para tumulong na ihanda ang team ni Cuomo nang magsimula nang ilantad ng mga akusado ang karanasan nila sa gobernador. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,