CM Punk aangas muli sa UFC

Sharing is caring!

Makikipagbugbugan ulit sa Octagon si CM Punk at nangakong babawi sa pagkadapa kay Mickey Gall, ayon sa TMZ Sports.

Nagkaroon ng kumpirmasyon ang pagbabalik nito nang rumesbak si Punk sa pambubuska sa kanya sa Twitter: “When are we gonna see you cry again in the octagon?”

Sagot ni Punk: “June nine, after I win and lock eyes with my beautiful wife, embrace my coaches and shout out my entire team.”

Ang Hunyo 9 ay petsa ng UFC 225 sa Chicago, na siyang hometown ni Punk, kung saan wala pang anunsiyo kung sino ang makakalaban nito.

Hindi na lumaban si Punk mula nang UFC 203 noong Setyembre 2016 matapos sumuko sa 1st round laban kay Gall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?