63

By

Clutch! Iguodala binaon ang Raptors, Warriors nakatabla

Hitik ang Golden State sa mga player na pwedeng isalpak ang pangdiin na tres, nandyan ang Splash Brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson, maayos din ang sipat ni Draymond Green sa rainbow country.

Ngunit iba ang gumuhit ng kapalaran ng Warriors sa Game 2 win, 109-104, kontra Toronto Raptors.

Naging madikit ang depensa ng Raptors kontra kay Curry, lamang lang ng dalawa ang Warriors ilang segundo na lang ang nalalabi sa game clock.

Napilitang ipasa ni Curry ang bola kay Shaun Livingston na nasa three-point area, hindi rin ito kilalang tirador at ini-swing ang bola kay Andre Iguodala.

Libre sa wing ang veteran forward, inangat ang leather, sapul ang net.

Walong puntos lang ang iniskor ni Iggy, ngunit pangalan niya ang bukambibig sa social media dahil sa kabayanihang ginawa.

Si Klay Thompson ang top scorer ng Warriors na may 25 points at tiglimang assists at rebounds. May bente tres naman si Curry.

Si Kawhi Leonard ang bida sa Toronto, may 34 points at 14 boards, nawalan naman ng saysay ang 17 ni reserve guard Fred VanVleet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?