37

Clothing allowance ng gov’t workers, P6,000 na – DBM

Sharing is caring!

Dinagdagan ng P1,000 ang uniform at clothing allowance ng mga kawani ng gobyerno ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management.

“We have increased uniform and clothing allowance of all national government agencies” employees from the current P5,000 to P6,000,” pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang forum sa Maynila.

“For the longest time the uniform allowance of a government employee has been set at P5,000 yearly, so we think it is time to increase it,” dagdag nito.

Naglaan ang DBM ng P1.12 bilyon para dito. Sa kabuuhan may P6.71 bilyon ang budget allowance para sa uniform sa ilalim ng miscellaneous benefits fund.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?