21
duterte-xi
By

‘Closeness’ ni Duterte sa Chinese leaders, gamitin kontra WPS militarization – Recto

Sharing is caring!

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kaniyang malapit na pakikipag-ugnayan sa China para mapatigil ang militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Iniulat na nagpasok ang China ng missiles sa tatlong bahagi ng WPS na tinambakan nito at ginawan ng paliparan at mga istruktura.

“The President should leverage his warm personal relationship with Chinese leaders in convincing them to cease-and-desist from militarizing the illegally-reclaimed islands in the West Philippine Sea,” sabi ni Recto.

“He has to encash whatever political capital he has with Beijing in asking it to honor its pledge to keep the WPS a zone of peace and freedom of navigation,” dagdag nito.

Ayon pa kay Recto, puwede ring maging “peacemaker” ni Pangulong Duterte at humikayat sa malalaking bansa na agapan ang tensyon sa WPS dahil anumang mangyari roon ay tiyak a magkakaroon ng epekto sa Pilipinas.

Positibo si Recto na puwedeng maging payapa sa WPS dahil kinaya ang denuclearization agreement sa pagitan ng South Korea at North Korea.

“Now that positive steps are underway to denuclearization the Korean Peninsula, the same must prevail in the WPS. We cannot defuse tension in one place in Asia only to heighten it in another,” sabi ni Recto.

Batay sa mga ulat, nagkakabit na ng mga armas ang China sa WPS para makapagtayo ng military fortress sa pinag-aagawang teritoryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?