44

By

Clique 5 at Belladonnas, 1 year na sa showbiz

Sharing is caring!

Nag-celebrate ng one-year anniversary ang 3:16 Events and Talent Management Company na pinamamahalaan ni Len Carillo.

Ang naturang management ang nagma-manage sa grupong Clique 5 at Belladonnas.

Masaya ang management dahil kahit nakaiisang taon pa lang ang kanilang kumpanya ay may napatunayan na sa showbiz ang mga talent nila.

Siyam na ngayon ang member ng Clique 5 na nu’ng una ay lima lang. Pawang mga gwapo at mahuhusay ang boses. Sila ay sina Clay Kong, Marco Gomez, Karl Aquino, Sean de Guzman, Rocky Rivero, Blaize Nicolas, Calvin Almojera at Kaizer Banzon.

Ang Belladonnas naman ay pito ang miyembro – Quinn Carrillo, Jazzy Dimalanta, Xie Fabricante, Phoebe Loseriaga, Rie Cervantes at Christine Bermas at Chloe Sy. Magaganda at mahuhusay rin silang kumanta at sumayaw. Ang RM nila ay si Janmarie Agdigos.

Ayon sa RM (road manager) ng Clique 5 na si Kim Agravante, nagdaan sa audition ang bawat grupo.

Aniya: “Total package sila na hindi limited ang talent kasi they underwent rigid dance workshops, voice lessons, personality development and acting workshops. We made sure they’re well prepared at hindi hilaw bago namin sila isinasalang in performing.”

Tanong namin sa Belladonnas kung wala bang ligawang nangyayari sa grupo. May nililigawan ba ang Clique 5 sa kanila.

Sambit nila, “bawal po sa amin ang ganun. Brothers and sisters lang po talaga ang turingan naming.”

Hindi raw uso sa kanila ang talo-talo dahil pagagalitan sila ng kanilang manager.
“Isa ‘yan sa patakaran namin dito sa 3:16 Events and Talent Management Company. Pinagbabawal namin ang mga ligawan dahil isang pamilya lang kami.

“’Pag may nabalitaan kaming ganyan agad namin silang kakausapin but so far wala pa namang mga ganyan,” sambit naman ng manager na si Len.

Busy ang Belladonnas at Clique 5 ng pagpo-promote ng kanilang album. May campus at provincial tour sila.

May pelikula na rin sila na malapit nang ipalabas, ang “CoDep,” isang advocacy film na dinirek ni Joven ‘Buboy’ Tan.

Tsika nila sa amin na by October ay maipalalabas na ang movie. Naka-tie up sa schools and universities sa buong Pilipinas ang “CoDep” movie.

Lahad ng grupo: “We will do our best to make a mark in this industry. We are very determined.”

Very supportive ang grupo sa isa’t isa. Tulad na lang ng nakaraang PMPC Star Awards For Music, nominado ang Clique 5 sa Duo/Group category.

Isa rin sila na nag-perform for the production program. Walang partisipasyon ang Belladonnas pero naroon sila para suportahan ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?