27

Jun 19, 2021 @ 14:47
By

Clippers wagi kontra Jazz, pasok sa WCF

Sa unang pagkakataon sa kanilang prangkisa ay umabante sa Western Conference Finals ang Los Angeles Clippers matapos ibaon sa game 6 ang Utah Jazz, 131-119, nitong Sabado (oras sa Pilipinas).

Tambak ng 25 puntos sa umpisa ng third quarter ang Clippers ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng bigla silang mag-init sa tres at sa kabilang dako’y nanlamig naman ang Jazz.

Nanguna sa arangkada ang ‘di inaasahang bayani na si Terance Mann na umiskor ng 39 points tampok ang pitong tres, karamihan dito ay ginawa niya sa puntong nilalamon ng Clippers ang lamang ng Jazz.

Bumida rin si Paul George na may 28 points at 27 points pa ang ambag ni Reggie Jackson. Wala pa ring Kawhi Leonard para sa Clippers ngunit balanseng opensa ang naging sagot sa kawalan ng kanilang superstar.

Binuhat pa rin ni Donovan Mitchell ang Jazz sa kanyang 39 points, habang may 21 points si Jordan Clarkson ngunit wala nang naiambag sa second half.

Dahil sa panalo’y makakaharap ng Clippers sa West Finals ang Phoenix Suns.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?