34

Clippers nirapido ng 3 sa San Antonio

Nagpaulan ng season-high 15 3-pointers ang San Antonio para ibaon ang dumayong Los Angeles Clippers 120-107 Martes ng gabi.

Magara rin ang distribusyon ng bola ng Spurs na namigay ng 33 assists.

Season-best ang kanilang 12 steals.

“Making shots does make things simpler,” bulalas ni Spurs coach Gregg Popovich pagkatapos ng pangatlong sunod na panalo. “The ball moved, our pace was better, but our defense still needs to get better.”

Pinangunahan ng 25 points ni LaMarcus Aldridge ang San Antonio, naglarong wala pa din sina injured Kawhi Leonard at Tony Parker.

Umiskor ng 24 si Danny Green, may 22 si Rudy Gay at 19 kay Pau Gasol sa Spurs. May pinagsamang 11 of 15 3s ang tatlo, tumapos ang Spurs ng 15 for 28 sa labas ng arc.

Naiiwan ang Spurs 55-52 sa break, pero binuksan ang second half sa 23-11 run at lumayo ng 17 sa kalagitnaan ng third. Na-outscore ng San Antonio ang Los Angeles 42-21 sa period.

Ang Clippers ay 8 of 21 lang sa field sa third, may six turnovers pa. Nanguna ang 24 points ni Austin Rivers sa Los Angeles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?