11

Sep 15, 2020 @ 16:33
By

Clippers kabado – Jokic

NAMEMELIGRO nang masipa ng Orlando bubble ang Nuggets pero kalmadong umahon mula 16-point halftime deficit para agawan ng panalo ang Clippers 111-98 Linggo ng gabi.

Ibinuhol ng Denver ang West semis sa tigatlong laro, napuwersa ang deciding Game 7 mamaya.

Walang panic ang Nuggets.

“We don’t have pressure. All the pressure is on them,” suma ni big man Nikola Jokic, ayon kay Malika Andrews ng ESPN.

Nuggets ang 12th team na bumalik mula 3-1 series deficit nang kalusin ang Jazz sa first round. Umahon muli sila mula 3-1 para puwersahin ang winner-take-all kontra LA.

Sa huling dalawang laro ay sinapawan ng tandem nina Jokic at Jamal Murray sina Kawhi Leonard at Paul George.

Nakapag-deliver din ang role players ng Denver, samantalang nawala ang counterparts sa Los Angeles.

All-around ang performance ni Jokic na 34 points, 14 rebounds, 7 assists, 1 steal at 1 block, may 21 points, 5 rebounds, 5 assists at 2 steals si Murray. Nagsumite si Gary Harris ng 16 points, 2 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Napigil ang Clippers-Lakers sa West finals sa kabila ng 33 points, 6 rebounds, 3 assists, 5 steals at 1 block ni George, at 25 points, 8 rebounds, 5 assists, 2 steals 1 block ni Leonard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?