8

By

Clemente bumida, NU tinambakan ang UE

Sharing is caring!

Winakasan ng NU Bulldogs ang kanilang five-game losing skid sa pagtagpas sa University of the East Red Warriors, 88-61, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena nitong Sabado, Oktubre 13.

Tuluyang nakawala ang NU sa second quarter at nakalamang pa ng 21 sa pagtatapos ng first half, 56-35.

Sinubukang ibaba ng UE sa 15 ang kalamangan ng Bulldogs, ngunit masyadong determinado ang NU na tapusin ang kanilang limang sunod na pagkatalo.

“Because of these young men, there is more reasons to get up and work harder,” sabi ni NU head coach Jamike Jarin habang pinupuri niya ang kanyang mga batang manlalaro.

Nag-init si John Lloyd Clemente sa 21 points (7-of-11 shooting). Naglista ng 14 points, seven rebounds at six assists si Dave Ildefonso, habang nag-ambag ng tig-12 puntos sina Shaun Ildefonso at Issa Gaye.

Nakatikim muli ng panalo ang NU simula nang magwagi sila sa kanilang unang laro.

Sa kabilang panig naman, binuhat muli ni Alvin Pasaol ang UE sa kanyang 20 points at nine rebounds.

Bumagsak muli ang UE sa standings mula sa kanilang 1-6 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?