990

Sep 29, 2017 @ 21:10

‘Cleavage’ ni Maine, pinulutan, pinagdebatehan sa IG!

Kaloka talaga si Maine Mendoza, bawat gagawin niya, libu-libo agad ang nagri-react. Ultimo susuutin niya, pinakikia­laman, ha!

Tulad na lang ng suot niya sa birthday party ng friend niyang hair stylist, salon owner, na si Celeste Tuviera, naloka na agad ang mga followers niya, at syempre pati na ang bashers niya, ha!

Eh sa photo, medyo kita nga kasi ang ‘cleavage’ ni Maine. Medyo mababa kasi ang cut ng dress, na mala-wrap around ang style, kaya sa photo nila, sumungaw nga ang ‘cleavage’ ng dalaga.

At dahil nga roon, parang nanibago na naman ang mga fans. Eh, nagagawa nga ni Maine na mag-bikini sa beach, ang magpasi­lip pa ba ng cleavage ang hindi?

Anyway, para sa mga fans ni Maine, bongga ‘yon, dahil at least, may ibubuga ang idol nila. Seksing-seksi, at swak na swak sa tsika na ‘if you have it, flaunt it’.

Iginiit pa nila, na at least daw, hindi retokada. Orig na orig ang boobs, kaya dapat proud kang ipangalandakan ‘yon.

Pero say ng mga bashers, nagwawala na talaga si Maine. Ang wholesome ng image niya, tapos nagpapakita siya ng boobs (cleavage lang naman). Na kesyo nang-aakit na ng ibang boys, kasi hindi raw pinapansin ni Alden.

But again, kapag may bashers  si Maine na naligaw sa wall na naka-post ang photo ng dalaga, asahan mo na kuyog na `yon sa mga followers ni Maine. Na sabi nga ng mga fans ni Maine, ang mga galit na galit sa idol nila, ampalaya ang madalas kainin, mula umaga, hanggang dessert, at gabihan.

Funny! Ha! Ha! Ha! Ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?