27

Jun 24, 2022 @ 16:31

Clearing ops ng MMDA sa inagurasyon ni Marcos Jr., umaarangkada

Nagsasagawa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clearing operations bilang paghahanda sa gaganaping inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Meron na tayong pagsisimula ng pagasara sa 27, June 27, ito yung ano na ‘to, yung rehearsals na gagawin, kaya magkakaroon ng pagsasara dyan, dyan mismo sa Padre Burgos sa kung saan yung main activity area natin ano, pati yung Plaza Dilao madadamay din,” ani MMDA Task Force Special Operations Edison “Bong” Nebrija.

Nagsimula na sila sa clearing operations sa malapit sa National Museum at ilang bahagi ng Myanila.

“Dyan sa Manila near the periphery of the National Museum, yan po yung ciniclear namin, ang alternate routes po natin dyan will be the Taft Avenue, yan po ici-clear namin yan. Yung part ng Roxas Boulevard very minimal naman, ang tinitingnan na lang po namin dyan yung mga illegally parked,” pahayag niya.

“And then ang main concern po namin is yung truck route, yung manggagaling sa Osmena to Quirino to Lacson to Yuseco Capulong then lalabas sa R-10. Napakasikip po ng lugar na yan, ang dami pong obstruction dyan. Ang daming illegally parked vehicles atsaka yung mga truck, yung mga container po dyan po nakatengga yung iba kaya po kini-clear iniisa-isa na po namin yan.”

Ipinahayag naman ng Philippine National Police na magtatalaga sila ng libong mga pulis sa araw ng panunumpa ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?