77

Oct 28, 2017 @ 10:31

Clearing operations ng MMDA sa 18 sementeryo, larga na!

Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang clearing operations sa 18 pangunahing sementeryo sa Metro Manila.

Ito’y bilang paghahanda sa All Saints’ Day sa Nobyembre 1 at All Souls’ Day sa Nobyembre 2.

Sa himpilang Radyo Singko, sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na magtatayo sila ng public assistance center sa mga sementeryo bilang bahagi ng Oplan Undas.

Magde-deploy din ang MMDA ng 2,866 na tauhan sa mga bus terminal kabilang ang reckless driving enforcement team, anti-jaywalking unit at sidewalk clearing operation group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?