88

Nov 7, 2017 @ 13:00

Clearing operations, isinagawa sa Maynila

Sabay-sabay na isinagawa ang clearing operations sa anim na lugar sa Maynila bilang paghahanda sa idaraos na 31st ASEAN Summit sa bansa, ilang araw mula ngayon.

Ayon kay Che Borromeo, hepe ng Manila City Hall Department of Public Services, kasama sa mga nasabing lugar ang: Vito Cruz, Padre Faura, Pedro Gil, UN Avenue, Roxas Boulevard at Quirino Avenue.

Pakay ng clearing operations na linisin ang nasabing mga lugar, hakutin ang mga basura at ang mga debris na itinuturing na ‘eyesore’ o hindi magandang tanawin.

Bagama’t regular ang ginagawang paglilinis, mas dinoble ang paghahakot ng mga basura sa Maynila para mapaghandaan nang husto ang pagdaraos ng ASEAN.

Kasama rin sa kanilang lilinisin ang kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard.

Pati natutulog sa Baywalk, hindi na muna papayagan, at maging ang mga vendor ay hindi rin puwedeng magtinda sa Baywalk. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?