182
ABANTE vip treatment mark anthony fernandez

Clean leaving na ako, wala nang marijuana sa katawan ko! – Mark Anthony

Ngayong malaya na siya, gusto ni Mark Anthony Fernandez na mag-focus sa showbiz career niya at sa kanyang anim na anak.

“Ang pamilya ko, ‘yung asawa ko, ang mga anak ko, siyempre si God at ang mga tao na nagdarasal para sa akin,” ang sabi ni Mark na pinagkukunan niya ng lakas sa loob ng isang taon at tatlong buwan na pagkakakulong niya sa provincial jail ng Pampanga.

Ipinagtapat ni Mark na hindi nito alam kung makakalabas pa siya mula sa kulungan kaya ang araw-araw na pagdarasal ang kanyang ginagawa. Natuto rin siya na magdasal at gumamit ng Holy Rosary.

“Nagpe-pray ako nang nagpe-pray na makalabas ako pero nu’ng nagpe-pray ako, naniniwala ako na makakalabas ako dahil wala akong kasalanan. Alam ko po na lalabas ang totoo sa hustisya,” ani Mark.

May paliwanag si Mark tungkol sa nakasanayan niya na pagtawag na Miss Clau sa kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Noong may relasyon pa sila, ‘Babes’ ang tawag sa isa’t isa nina Mark at Claudine.

Ikinuwento ni Mark na si Miss Clau ang nagdala sa kanya sa Viva.

“Miss Clau ang tawag ko kay Claudine para mas pormal. Sabi ni Miss Clau, pagbalik ko sa showbiz, basta be professional para maayos ang lahat.

“Si Miss Clau, ipinakilala ako kay Miss Veronique (del Rosario-Corpus, head of Viva Artists Agency). Tamang-tama, si Boss Vic, nakagawa na kami ng dalawang pelikula dati, actually, ‘yun ang pinakamalakas ko na pelikula, ‘yung Biyaheng Langit at Dos Ekis.

“Tapos, sabi, pirma na ako sa kanila. Sabi ko, sige, why not? Magandang opportunity ito para sa akin. Nagpaalam naman ako kay Dondon (Monteverde, his former manager), okey naman daw. Si Dondon kasi, kumbaga, sa ibang aspect na siya ng showbiz nagpo-focus. Sabi niya, okey lang, walang problema,” ang kuwento ni Mark.

Hindi pa nakakadalaw si Mark sa puntod ng kanyang ama na si Rudy Fernandez mula nang makalaya siya noong December 2017. Hindi inililihim ni Mark na naranasan niya noon na manirahan at matulog sa musoleo ng kanyang ama. Ikinuwento rin ni Mark na matagal bago siya naka-recover sa depression na epekto ng pagkawala ng tatay niya.

“Hindi pa ako nakakadalaw sa Papa ko. For a time, natutulog ako sa libingan niya nu’ng ibinenta ko ‘yung condominium unit ko. Hirap na hirap akong maka-recover noon (sa depression).

“As of now, umuuwi ako sa Mama ko (Alma Moreno), sa Parañaque. Kay Mama muna ako,” ang sabi ni Mark na ‘clean living’ na ngayon dahil ayaw na niya na maulit ang nangyari na isang bangungot para sa kanya.

“Clean living na ako ngayon. Ibig sabihin, wala na pong marijuana sa katawan ko.

“Naranasan ko noon na ma-rehab pero ‘yung sa akin, family problems, experimental stage, depression pero I was never a drug dependent like sa shabu o cocaine, marijuana lang po talaga,” ang giit ni Mark.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?