78

Sep 24, 2021 @ 22:11
By

Claudine tatakbong konsehal sa Gapo

Sasabak na sa politika si actress Claudine Barretto.

Wala pang opisyal na anunsyo ang aktres pero kung pagbabatayan ang ibinahaging mga poster sa Facebook ng isang netizen, kasama ang mga larawan ni Claudine sa hilera ng mga kakandidato sa Olongapo City.

Kabilang sa Bangon Olongapo 2022 poster ang talent manager na si Arnold Vegafria na sasabak naman sa mayoralty race ng lungsod.

“Ang pagbangon at pagbabago ng Olongapo… nandito na!!!! Team victory (anak ng Gapo),” pahayag ng netizen na si Bebe SC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?