203

Oct 7, 2021 @ 18:46
By

Claudine tatakbong konsehal sa Gapo

Papasukin na rin ni award-winning actress Claudine Barretto ang politika.

Nitong Huwebes, pormal siyang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagtakbong konsehal sa Olongapo City.

Magkasabay silang naghain ng COC ng talent manager na si Arnold Vegafria na kakandidato namang alkalde ng Olongapo. Kapwa sila nasa ilalim ng Bangon Olongapo slate.

Si Barretto ang pinakabagong showbiz personality na naghain ng COC.

Nauna na sina actor Nash Aguas na pagka-konsehal sa Cavite at Ejay Falcon bilang vice governor sa Oriental Mindoro.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=114040661035545&id=109400311499580

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?