86

Nov 16, 2021 @ 16:11

Claudine pinaghintay 2 oras sa ER, naimbyerna

Hindi napigilang maghimutok sa social media ni Claudine Barretto matapos isugod sa ospital dahil sa sobrang sakit ng tiyan ngunit ‘di agad inasikaso sa emergency room sa loob ng halos dalawang oras.

Nitong Lunes ay nag-Instagram live si Claudine para ikwento ang naturang karanasan sa isang pagamutan sa Quezon City.

“I’ve been waiting for… almost two hours and kaya nga emergency kasi nga dapat mabilis ‘di ba? Because I’m in so much pain, may sharp shooting pain ako sa stomach ngayon and my whole body is aching,” saad ni Claudine sa video.

“So they [made] me wait and then ang tagal ng doktor na nag-a-attend sa akin,” dugtong pa ng aktres, na halata ang galit.

Inilarawan din ni Claudine na halos sasabog na ang kanyang dibdib sa nangyari.

Ngunit binura na rin ng aktres ang video kalaunan, bagamat may mga maagap na netizen na na-upload ang video sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?