241
ABANTE claudine barretto panic disorder
Jan 22, 2018 @ 18:45
By

Claudine, parang mamamatay ‘pag inaatake ng panic disorder

Mas naiintindihan na ngayon ng publiko si Claudine Barretto dahil sa rebelasyon nito sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ na buwan-buwan, nakikipagkita siya sa isang psychiatrist.

Matapang na inamin ni Claudine na may panic disorder siya na nagsimula nang pumanaw noong March 29, 2002 ang ex-boyfriend niya na si Rico Yan.

Ikinagulat ng mga nanood ng exclusive interview ni Jessica kay Claudine ang ipinagtapat nito na hanggang ngayon, dinaramdam pa rin niya ang pagkawala ni Rico.

Sa tuwing nagkakaroon siya ng panic attack, parang nalulunod, lumiliit ang kuwarto na kinaroroonan niya, pinagpapawisan siya ng malamig at hinihimatay si Claudine.

“I just felt na parang mamamatay ako, hindi ako makahinga.

“There were days na feeling ko na parang oh my God, I’m going crazy. I think I’m going crazy.

“Balisa…hindi ako mapakali. When you have a panic attack at sabihin sa’yo ng tao, ‘Ano ba ang nararamdaman mo?’

“When you tell them kung ano ang nararamdaman mo, all the more na gumagrabe ‘yung panic,” ang pagtatapat ni Claudine tungkol sa karamdaman niya.

“We’re (Rico) five years together and hanggang ngayon, dala-dala ko coz I never really grieved. I just really kept on working and working. I wanted to tire myself para pag-uwi ko, tulog na lang, hindi ko na maisip ‘yung pagkamatay ng ex-boyfriend ko noon. Ang gusto ko lang, mapagod so hindi pa talaga ako nakapag-rest para umiyak, up to this day,” ang pagbabahagi ni Claudine tungkol sa pangungulila niya kay Rico na dahilan ng kanyang pagdalaw at paglilinis sa puntod ng dating karelasyon.

“That’s the only thing na puwede kong gawin. I wasn’t able to say goodbye, naalagaan siya bago siya nawala,” ani Claudine. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?