926

Feb 6, 2018 @ 15:39
By

Claudine naloka sa pangarap ni Sabina

Happy family sina Claudine Barretto, Raymart Santiago at Sabina sa Crossover Ceremony ng huli sa kanilang school noong February 1. Hindi napigilan nina Clau at Raymart na maging emotional sa speech ng itinuturing nilang panganay na anak, dahil madamdamin nga ang laman nito.

Ang tungkol sa mga pangarap nito para sa kanyang mga magulang ang sinabi niya. Lalo na nga raw nang ibunyag nito na ang pag-aaral sa abroad ang isa sa mga pangarap niya.

Sa edad na 13 ay malawak ang pang-unawa ni Sabina. Tanggap nito ang sitwasyon, at ipinagmamalaki niya na kapag ganitong mahalagang okasyon, nabubuo talaga sila.

Nalolokah nga si Clau sa pangarap ng kanyang panganay na mag-aral sa abroad.

Pabiro pa nga niyang sinabi na baka magkaroon siya ng panic attack sa malaking pangarap na ito ni Sab, pero bilang magulang, pipilitin niyang ibigay ito sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?