72

By

Claudine nakiusap na ‘wag tapak-tapakan si Mark Anthony

Pinagtanggol ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang nagbabalik na si Mark Anthony Fernandez. Marami nga kasi ang nag-react sa photos na magkasama sila, at sa planong pagsamahin sila sa pelikula ng Viva Films.

“Let’s all give people second chances. Walang ginawa si Mark na masama sa inyo for some of you who want to put him down. He never hurt anyone of you but himself.

“Nakadapa na ang tao, ano gusto niyo tapak-tapakan pa?” sabi ni Claudine.

Kung tama ang pagkakatanda namin, “Mangarap Ka” pa yata ang huling pelikulang pinagsamahan nila. Napakaraming naging isyu sa kanilang dalawa noong sila pa at kahit matagal nang wala at nagkaroon ng kanya-kanyang buhay. At mukhang abang-abang ang mga tagahanga ng tambalan nila ngayon. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?