20,905

Jan 12, 2022 @ 8:49
By

Claudine nakasama si Marjorie sa putukan: ‘New Year was really that fun’

Masaya si Claudine Barretto sa pagpasok ng taong 2022 matapos ipagdiwang ang bagong taon kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya, kabilang na ang pamilya ng kanyang kapatid na si Marjorie.

Matatandaang kumalat ang mga social media post ng ilang miyembro ng pamilya Barretto kung saan nakita ng mga netizen na magkasama sina Claudine at Marjorie, na maaalalang nagkaroon ng alitaan.

Ngunit sa pagpasok ng 2022, tila iba na ang ihip ng hangin sa buhay nila Claudine.

“Maganda ang simula ng taon ko dahil nakasama ko ang buong pamilya ko,” kwento ng aktress sa virtual conference para sa pelikula niyang ‘Deception.’

“Nag-New Year kami sa Subic at kasama ko yung mga pamangkin ko, mga anak ni Marjorie. Magkasama-sama kami, we really celebrated New Year with a bang, with so much love and peace of mind.”

“New Year was really really that fun. We all spent it sa Olongapo, sa bahay namin sa Subic with my whole family,” dagdag pa ni Claudine. “First time na nabuo yung pamilya namin, except yung dalawang ate ko kasi nasa abroad.”

“We were all together, especially my nieces and nephews, kasama ko noong New Year. Sinalubong namin yung New Year with so much love and happiness and so much peace.”

Magandang panimula ito para sa 2022 ni Claudine, na sasabak din sa darating na halalan bilang konsehal sa Olongapo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?