251

Claudine, Mark Anthony reunion movie naudlot, papalitan nina Bela, Xian

Sharing is caring!

Hindi umano matutuloy ang muling pagtatambal nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa Viva.

Papalitan daw ni Bela Padilla ang character ni Claudine na ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo.

Si Xian Lim daw ang makakapareha ni Bela. Ang character ni Xian ang dapat sana ay kay Mark Anthony.

Balik-tambalan sana nina Claudine at Mark ang pelikula sa Viva. Sa kung anong kadahilanan ay naudlot ang Claudine-Mark reunion movie, tanging Viva lang ang makasasagot niyan.

May nagtanong bakit hindi raw hindi si JC Santos ang kinuha para ipareha kay Bela. Subok na raw kasi ang tambalan ng dalawa.

Sagot na lang naming. Ayaw yatang ma-typecast ng Viva Films ang tambalang Bela at JC kaya niligwak muna ang actor at si Xian ang pinalit.

Panibagong chemistry ang Bela-Xian tandem. Sa Georgia raw isu-shoot ang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?