189

By

Claudine maligaya sa paglaya ni Mark Anthony

Nagpakita ng suporta si Claudine Barretto sa dati niyang boyfriend na si Mark Anthony Fernandez matapos nitong malaman na nakalaya na sa kulungan ang aktor.

Nag-post nga ito ng masayang mensahe para kay Mark Anthony noong isang araw kung saan ay ipinaramdam niya ang kasiyahan niyang malaya na ito.

Mahigit isang taon din ang tiniis ng anak ni Alma Moreno at ng yumaong si Rudy Fernandez dahil sa kasong transportation of illegal drugs na marijuana.

Dismeanor charges na lang daw ang naiwang kaso ng aktor kaya binigyan na siya ng karapatang mamuhay ulit ng normal sa labas ng mga bakal na rehas ng Pampanga provincial jail.

Maaaring sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Mark ang selebrasyon ng Pasko kaya hindi muna ito nagpapaunlak ng interbyu.

Ang importante ay okey na siya, makakain na niya ang gusto niyang kainin, at makakagalaw na siya ayon sa kanyang kagustuhan.

Pero, sana nga raw ay kung may kamalian man siyang nagawa, ngayong normal na naman ang takbo ng kanyang buhay ay huwag na raw nitong gawin muli.

Ang balita namin noon, habang nakakulong ito ay maraming magagandang bagay ang ginawa nito sa loob, at maraming preso ang humahanga sa kanya dahil hindi raw ito naging abusado at nagpakatino hindi katulad ng ibang celebrities na nakakulong.

Anyway, to quote ‘yung sinabi ni Clau , “I’m so so happy that Mark Anthony is finally home!”

Merry Christmas pa rin!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?