226

Nov 16, 2021 @ 17:31
By

Claudine kinilig sa lumang love letter ng pumanaw na ex-boyfriend

Mararamdaman na kinikilig si Claudine Baretto ng ibahagi nito ang lumang love letter na inihandog sa kaniya ng namapayang dating kasintahan at ka-love team na si Rico Yan.

Nag-post ang aktres sa kaniyang Instagram account ng isang larawan ng papel na may nakakakilig na mensahe galing sa pumanaw na si Rico Yan.

Mababasa sa sulat, “Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life! While I watch you sleep I cant believe your (you’re) mine.Thank you for being my ROCK! And Hunny “YOU ROCK” I love you very much Hunny.”

Sinabi naman ng aktres na para ito sa kanilang mga taga-hanga.

“Double infinity. RYCB & CLAUDINIANS THIS IS FOR ALL OF U,” caption ng aktres sa larawan.


Nagsimulang maging magkatrabaho ang dalawa sa ilang palabas, at noong 1998 inamin ng dalawa na magkarelasyon sila.

Ngunit makaraan ang apat na taon, naghiwalay din ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?