48

Jun 9, 2021 @ 14:30
By

Claudine inaming na-ghost si Mark Anthony

Muling magsasama sa isang pelikula ang dating magkasintahan na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Sa press conference ng pelikula nilang ‘Deception’, naitanong sa dalawa kung anong magandang memory nilang dalawa sa isa’t isa.

Kung nasiyahan si Mark Anthony sa relasyon nila ni Claudine, iba naman ang naging sagot ng aktres.

Sey nito, nung naging boyfriend niya si Mark Anthony ay babaero daw ito.

’Yun ‘yung mga days na nambababae si Mark. Oo. So kung fond sa kanya, ‘di masyadong fond sa’kin nu’n,” ayon kay Claudine.

Ngunit tingin ni Claudine ay siya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil na-ghost daw niya ang aktor.

“Ako naman, what happened sa’min ni Mark, parang na-ghosting ko yata. Na-ghosting ko yata siya. Parang one day, we just woke up and parang, ‘Okay, mas importante ngayon ang careers natin’,” sambit ni Claudine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?