935

Apr 8, 2018 @ 23:46
By

Claudine hindi na makabalik sa showbiz

May pinaghahandaan bang showbiz comeback si Claudine Barretto? ‘Yan ang tanong ng mga fan ng kapatid ni Gretchen Barretto dahil sa mga latest post niya sa kanyang Instagram account (@claubarretto) ay obvious na malaki na ang nabawas sa kanyang timbang, huh!

Sabi pa ng mga fan ng estranged wife ni Raymart Santiago, sana raw ay may bago ngang showbiz project na pinaghahandaan si Claudine dahil miss na miss na nilang umaarte ang kanilang idolo.

In fairness kasi sa mga fan ni Claudine, kahit matagal na ring hindi umaarte sang idolo nila at palagi na lang natsitsikang may gagawing­ bagong showbiz project ay hindi pa rin naman sila nawawalan ng pag-asang mapapanood uli sa TV o pelikula ang controversial actress na katulad ng kanyang equally-controversial ate na si Gretchen ay semi-retired din ang estado sa showbiz, ‘noh!

Sa picture na pinost nga pala ni Claudine ay naka-tight shirt siya na naka-tucked-in sa tight pants na suot niya at halata na nga ang pagpayat niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?