60

Nov 18, 2021 @ 18:15
By

Claudine binatikos sa pekeng love letter galing sa yumaong ex-bf

Inulan ng batikos ang Instagram post ni Claudine Barretto tungkol sa lumang love letter na binigay umano ng yumaong ex-boyfriend na sa Rico Yan.

Marami ang nag-tanong kung totoo nga bang binigay ni Rico ang sulat sa kaniya.

Sa Instagram post ni Claudine noong Nobyembre 16, ibinahagi niya ang love letter na binigay sa kaniya ng dating kasintahan noong panahong 1998, taon kung kailan nagsimulang mag-ibigan ang dalawa.

Marami fans pati na rin mga kaibigan ang kinilig sa post ng aktres.

Ngunit, marami rin ang kumwestyon kay Claudine dahil mukhang bago pa raw umano ang ginamit na bond paper kahit higit dalawang dekada na ang tanda nito.

Iba rin daw ang pagkakasulat ng letra kumpara sa penmanship ni Rico, base na rin sa mga naunang love letter na ibinahagi ng aktres.

Dahil sa pangba-bash, binura na ni Claudine ang kaniyang Instagram post, hindi na ito makikita sa kaniyang account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?