35

Feb 23, 2021 @ 15:51
By

Claudine ayaw magpabakuna

Hindi willing na agad magpaturok ng COVID-19 vaccine si Claudine Barretto.

Ayon sa ‘Optimum Star’, may agam-agam pa siya sa bakuna lalo’t kailangan din niyang isaalang-alang ang apat niyang anak.

“Parang ngayon, hindi pa muna kasi may mga naririnig akong hindi maganda,” sambit ni Claudine sa ‘Abantelliling’ ng Abante News Online.

“Sabi nila may allergic reaction ‘yan, eh hindi ako pwede kasi may urticharia ako,” aniya pa.

Ang urticaria ay ang kondisyon kung saan magkakaroon ng pantal ang balat dahilan ng allergic reaction.

Pangamba ni Claudine na kapag magkaroon siya ng side effect sa bakuna ay anaphylactic shock siya, na sadyang delikado sa isang may allergy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?