63

By

Claudia Barretto, Jayda nagpatalbugan kay Aaron Carter

Sharing is caring!

Nasa alapaap pa ang singers na sina Claudia Barretto at Jayda Avanzado matapos makasama sa stage ang kapatid ni Backstreet Boys member Nick Carter.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Barretto ang video clip niya kasama si Aaron Carter habang nagdu-duet sa kantang “Sooner or Later” na bahagi ng album ng huli na 2018 LØVË.

Ginanap ang concert noong Nobyembre 18 sa New Frontier Theatre sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Hindi naman nagpahuli ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa na si Jayda at ipinoste rin nito ang sarili nilang duet ni Carter na “Fool’s Gold”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?