29

Jan 13, 2022 @ 13:41
By

Class suspension dahil sa COVID, OK sa DepEd

Binigyan ng go-signal ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga regional at division office na magpatupad ng class suspension sa kanilang mga nasasakupang lugar, dahil na rin sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Batay sa memorandum na inilabas ng ahensya noong Miyerkoles, kung mataas ang kaso ng COVID sa lugar, maging sa mga guro at mag-aaral ng isang paaralan, aprubado sa DepEd ang magkaroon ng suspensyon ng klase.

“The ROs/SDOs shall decide on the specific dates and number of days for the suspension of classes as long as the period of class suspension does not exceed 2 weeks in order to avoid a prolonged disruption in the current school calendar,” saad sa memorandum.

Gayunman, nanantiling malamig ang ahensya sa hiling ng ilang grupo na ‘health break’ dahil sa dami ng nagkakasakit na guro at mag-aaral.

“Mahirap gawin na nationwide ito sapagkat this will seriously affect [our learning process and school calendars],” wika ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan ngayong Huwebes.

Para naman sa mga pribadong paaralan, binibigyan sila ng kalayaan ng DepEd na magsuspinde ng klase batay sa kanilang COVID situation. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?