82

Nov 24, 2019 @ 18:22
By

Clarkson tinuldukan ang 6-game losing streak ng Cavs

Nakaupo pa si Kevin Love, binalikat ni Jordan Clarkson ang Cleveland Cavaliers sa 110-104 panalo laban sa Portland Trail Blazers Sabado nang gabi.

Walang isinablay ang Fil-Am sa anim na 3-pointers tungo sa 28 points para tapusin ang six-game losing streak ng Cavs. Nagsumite si Tristan Thompson ng 25, may 11 points at 12 rebounds si Larry Nance Jr. na pumalit kay Love sa starting lineup.

Sa ikalawang laro ay wala si Cavs leading scorer Love dahil sa nananakit na likod.

Bumalik si Damian Lillard tapos ang dalawang larong pagliban dahil sa back spasms at umiskor ng 23 sa Blazers. Naglista ng 11 points sa loob ng 35 minutes si Carmelo Anthony sa pangatlong laro sa Portland. Mintis ang walong 3-point tries ni ‘Melo tungo sa 5 of 15 shooting.

Abante ang Cleveland 100-88 sa kalagitnaan ng fourth quarter, nilista ni Lillard ang next 9 points ng Blazers para lumapit 102-97. Napigil ang rally sa baskets nina Thompson at Nance.

May 16 points si Lillard sa fourth, tumapos ng 20 markers ang backcourt partner niyang si CJ McCollum.

Mula sa foul line ay 10 of 12 si Clarkson, humarabas ng 9 points off the bench sa second quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?