1,306

Jan 27, 2022 @ 10:55
By

Clarkson tatak ‘Mamba mentality’

Bilang pag-alala sa ikalawang taon ng pagkamatay ng NBA legend na si Kobe Bryant, pina-tattoo ni Filipino-American guard Jordan Clarkson ang ‘Black Mamba’ sa kanyang binti.

Pinasilip ni Clarkson sa kanyang official Facebook page ang naturang tattoo, kung saan magkaakbay sila ni Bryant suot ang Los Angeles Lakers jersey.

Naglaro si Clarkson para sa Lakers mula 2014 hanggang 2018, kung saan nasaksihan niya ang mga huling taon ni Bryant sa NBA.

Nagretiro si Bryant, isang one-time MVP, sa NBA pagkatapos ng 2016 season.

Bukod sa larawan nila ni ‘Bryant,’ kasama rin sa disenyo ng bagong tattoo ni Clarkson ang ulo ng isang ‘Black Mamba.’

Si Bryant ay binansagang Black Mamba sa kanyang karera dahil sa kanyang pagnanais na maipanalo ang koponan sa bawat laro.

Matatandaang Enero 26 taong 2020 ay pumanaw si Bryant kasama ang dalagitang anak na si Gigi matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter. (MJD)


Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?