103
Clarkson pinangalandakan ang pagiging Pinoy
Jul 5, 2019 @ 18:10
By ,

Clarkson pinangalandakan ang pagiging Pinoy

Taas noong pinagmalalaki ni Jordan Clarkson ang pagiging Pinoy kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng Amerika.

Sa mga larawang pinost ni Clarkson sa kanyang Instagram account, makikita na nakasuot ng T-shirt ang Cleveland Cavaliers guard na may nakaimprentang watawat ng Pilipinas.

Makailang ulit nang inihayag ng Filipino-American baller ang kagustuhan nitong maglaro sa bansa lalo na sa kampanya nito sa darating FIBA World Cup sa China.

Pero dahil sa wala pang pasya ang international body tungkol dito ay malabo pang matupad ang hiling nito na makapaglaro para sa watawat ng bansa.

Umaasa pa rin ito na isang araw ay makakapag-suot siya ng Filipino jersey sa hinaharap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?