15

Jul 31, 2020 @ 15:25

Clarkson na-miss mga bro

Makalipas ang apat na buwan, balik-aksyon na nitong Biyernes ang NBA kung saan sa unang laro ay salang agad ang Fil-Am hooper na si Jordan Clarkson.

Tila walang kalawang na naramdaman si JC, naging top scorer ng Utah Jazz sa kanilang 106-104 win kontra New Orleans Pelicans.

Bumuhos ng 23 points, five rebounds, three assists at two steals si Clarkson, sa disenteng 8-of-17 shooting sa field.

Dahil dito’y pinagtibay nila ang kanilang pwesto sa fourth spot tangan ang 42-23 record.

Sa tweet naman ng Pinoy shooter, aminado itong na-miss ang kanyang mga ‘bro’ o teammate sa loob ng court.

“felt good to be out there with the bro’s again !!!! #goodvibetribe,” ayon kay Clarkson.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?