200

Mar 2, 2018 @ 16:41

Clarkson, na-eject vs Sixers nang mangbato ng bola

Nagkaroon ng komosyon ang huling tagpo ng panalo ng Philadelphia 76ers kontra Cavaliers, 108-97, nang batuhin ng bola ni Cavs guard Jordan Clarkson si Sixers forward Dario Saric sa likod at na-eject.

Abante ng walong puntos ang Philadelphia at may pagkakataon na ubusin na lang ang oras dahil sigurado na ang kanilang panalo, pero nag-dunk si Saric may 12.2 segundo ang nalalabi.

Nang makuha ni Clarkson ang bola ay binato nito sa likod ni Saric kaya’t natawagan siya ng technical foul bago napatalsik sa laro.

“Uh, basketball, that’s it,” paliwanag ni Clarkson sa ginawa. “Part of the game. If anybody say different, that they wouldn’t have did that, that they’d have did something different, or anything else, they lying. Especially if it was at that (point) of the game. They know what’s up. That’s it.”

Tinutukoy ng Cavs guard ang pag-dunk pa ni Saric imbes ubusin na lang ang oras dahil sa panalo na sila, bilang respeto sa natalong team.

“Listen, they won the game,” ani LeBron James.

Bunga nito’y tumaas ang tensiyon sa court kaya’t kinailangang paghiwalayin ang dalawang koponan ng mga reperi at security kabilang na sina James at JJ Redick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?